Tampopo ★★★★

may nabasa ako dating article na pinopropose na pagkain daw ang sixth language of love.

hiwalay daw siyang category kasi universal siyang experience at need tsaka dahil 3 to 4 bodily senses yung nagagamit natin pag kumakain, unlike in the other love languages. mas intimate daw yung act ng pagkain kapag pinaglutuan at pinaghandaan tayo personally ng ibang tao kaya pwede rin siyang maging paraan ng pagpapakita ng affection o sexual desire.

di ko alam kung naniniwala ako doon haha pero naalala ko lang yung concept dahil dito. ang dugyot minsan pero napaisip lang din ako sa huli kung gaano ka-sublime yung relationship natin with food at kung ano nga ba talaga yung (mga) papel na ginagampanan niya sa lipunan natin.

literal na food for thought hehehe. hapi balentayms 🍜 ❤️